Neurons Niche

Entries tagged as ‘listening ear’

Sure Ways to Escape the Island of Loneliness (In Theory)

November 15, 2007 · Leave a Comment

“Too often we underestimate the power of a touch, a smile, a kind word, a listening ear, an honest compliment, or the smallest act of caring, all of which have the potential to turn a life around.” (Leo Buscaglia)

My insomniac tendencies didn’t help to produce a good post, so I slept on it. This morning, I came across this quote while I was to fetch up for some inspiration.

I remembered Buscaglia, the ultimate LOVE advocate. He’s a huge man with a huge heart. He writes with passion, and his books talk nothing else but love. He knows no greater word than love. Well, he’s just about right; I couldn’t agree more that everybody needs love – in different forms, in different shades, at varied intensities…

Now that I decided to be on my own, apart from the security and care of the people who used to cherish me, I find myself drifting along a lonely sea.

********************************************************

(Noon, inaakala ko na hindi ko naman kailangan ng makakasama, sumisigaw ang puso ko sa labis na kalungkutan.

Habang inisip ko ang kinabukasan, nalulumbay ako sa pag-iisang naghihintay.

Napagninilay kong hindi ako nakakapagtanim ng relasyon na may sapat na lalim.

Nakakatuwa, ang pinsan ko, sinisita ako sa pag-eemote ko sa blog na ito. hahaha…sabi nya, may nobela na naman daw syang babasahin. Ewan ko, naniniwala ako na may kontrol tayo sa mga nangyayari sa buhay natin pero bakit tila sa kalagayan ko, palaging napapapadpad na lang ako ng alon kung saan nya ibig?

‘I visualize myself as a lonesome boat in the middle of the sea.’

Weird, because people used to think of me as a PERSON with lots of friends but my heart seems to be empty. LOST friendship ba ang drama? Sabi, kapag kinakain ang puso mo ng kalungkutan, may mga bagay kang pwedeng gawin (ito ay ayon lang naman sa nabasa ko):

1. Humanap ka ng taong KAILANGAN KA

2. Palawakin mo ang MUNDO mo

3. Ayusin…AYUSIN ang NASIRANG RELASYON

Kung sa palagay mo, pansamantala ay nakatakas ka na sa ISLA ng PAG-IISA, mag-isip kasi may isa pang pwedeng gawin:

4. DUMEPENDE ka sa pinakamatibay na ANGKLA. Dapat ayusin ang relasyon sa MAylikha. <ito marahil ang pinakamahirap, lalo na kung kagaya kita na matagal-tagal din naglibang, nakuntento sa ibang pampalipas ng oras>

Gaano ko ba kailangan ang Diyos sa buhay ko? Hanggang saan ba SYA may pakialam sa nangyayari sa akin? Gaano nya ba ako kamahal?

Sa mga tanong ko…

Tahimik sya.)

(papansinin kaya nya mula sa langit ang post na ito? may panahon kaya sya sa akin?)

****************************************************

Categories: Slice of Life
Tagged: , , , , ,