Neurons Niche

These are nothing but SELFISHLY written Fresh thoughts, longings, problems and solutions, trials and temptations, aspirations and fascinations of ISSA who's still CAR'E as you know her. Usually altruistic, yet in this BLOG, admittedly, more SELF-SERVING.

Sand Storm

Hindi ko sigurado kung dapat magkasama o magkahiwalay ang sand at storm, ang alam ko lang maalikabok.hehe.. Sa kasalukuyan ay nakakaranas na ako ng manaka-nakang panggugulo ng mga buhanging basta na lang hahampas sa balat at buhok ko. Di naman nakakasuya. Nakakahiya lang ang kalalabasan ng hitsura matapos maligo sa mainit-init pa man ding sand.

Well. Halos ilang buwan na rin naman ako rito. Mag-aapat pagdating ng ikapito ng Mayo. Ngunit bahagya pa lang nakapagsimula ng trabaho. Trabaho. Ang lugar na ito ay mainam lamang talaga para sa paghahanap-buhay hindi permanenteng pamumuhay. Sa tingin ko, kahit gaano katagal mamalagi ng Pinoy o Pinay sa lugar na ‘to, iisa ang itinitibok ng puso nila, ang makabalik sa bayang sinisinta.

Bakit nga ba maraming Pilipino ang di maiwaksi ang kanilang pinagmulang bayan? Hindi na dapat ‘to itanong ngunit para may panimula bago ang litanya, binanggit ko na rin. Walang walis tambo sa Dubai.hehe. Walang fish net na brush sa labahan. Wala pa akong nakita na tablang gawa sa kahoy. Walang hilaw at malutong na mangga. Bihira ang makakasalubong mong bagong ligo. Kakaunti ang puno. Hindi dalisay at malinaw ang tubig na pampaligo. Maraming kinalakhang bagay ang di mo matatagpuan.

Ang mga nagugustuhan ko? Maraming ibon sa kalye ‘pag umaga. Maganda ang landscape ng mga halaman sa kalsada. Nagtataasan ang mga gusali. Maraming sasakyang pandagat na abot-tanaw (parang naaalala ko ang pangarap kong maging pirata). Makulay ang mga taong nakakasalamuha (physically, linguistically, culturally,etc.-ly).

Sa huli, hanap ko pa rin makadaan sa bahay ng tinuturuan ko. Masarap kasi ang pakiramdam na kasali ka sa isang pamilya, may kasalo at kausap habang naghahapunan. Sa palagay ko, tahanang mauuwian pa rin ang palaging hahanap-hanapin ng puso ko. Nawa’y ipagkaloob ang aking munting kahilingan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.